Mistulang kinantiyawan ni Senator Imee Marcos si House Speaker Martin Romualdez dahil sa pagsusulong na ma-impeach si Vice President Sara Duterte.

Ito ang naging interpretasyon nito sa pagboto ng “Yes” para ma-archive o maisantabi ang Articles of Impeachment laban kay VP Sara.

Ani Marcos, nagiging tagabantay na lamang ang kongresista kung ano ang ipinagsisigawan ni Romualdez na tinawag niyang ‘dambuhalang sanggol o bondying’.

--Ads--

Inakusahan pa nito ang mga kongresita na pinapagulo na lamang ang konstitusyon dahil sa mga ginagawa nilang pagpilit ukol sa impeachment.

Matapos nito, hinikayat na lamang ni Marcos ang mga mambabatas na galangin na lamang ang desisyon ng Korte Suprema at hindi dapat na pangunahan pa ito.

Mahalaga sa ngayon ay makapagtrabaho na sila at huwag ng pakinggan ang idinidikta ni Romualdez.