DAGUPAN, CITY— Aminado si Sen. Risa Hontiveros sa malaking kakulangan ng suporta sa mga medical frontliners sa Pilipinas na nag-aasikaso sa mga nagpositibong pasyente ng coronavirus disease sa bansa.

Ito ay dahil aniya na maraming mga pangangailangan ng mga doktor at mga nurses na kasalukuyang nagkasakit din makaraang na-expose sa kanilang mga pasyente.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Sen. Risa Hontiveros, inilahad nito na maraming mga health frontliners ang muntikan nang gustong magbitaw sa kanilang trabaho at gayundin ang kakulangang sa mga protective equipment at suporta para sa mga pamilya ng mga doctors at nurses na namatay dahil sa COVID-19.

--Ads--

Nabatid din nito na Sen. Hontiveros kaugnay na rin sa estado ng mga health workers sa ating bansa na nauna nang magparating ng kanilang hinaing sa kanilang tunay na kalagayan dahil sa krisis na ating kinakaharap sa kasalukuyang pandemic.