Kinondena ni Senador Risa Hontiveros,chairman ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, ang kontrobersyal na pahayag ni Quezon City Rep. Bong Suntay laban kay Anne Curtis, at iginiit na dapat siyang humingi ng malinaw na paumanhin.

Walang katanggap-tanggap na dahilan aniya para sa sinabi ni REp Sunrtay. Binanggit ng senador na sa ilalim ng Bawal Bastos Law, ang gender-based harassment ay may parusa, at tungkulin ng mga mambabatas na ipatupad ito.

Humingi ng paumanhin si REp Suntay sa mga nasaktan ngunit iginiit na wala siyang masamang intensyon, at idiniin na epektibo ang analogy niya para mapansin ang mensahe.

--Ads--

Kinondena rin ng Philippine Commission on Women (PCW) ang pahayag bilang “sexual objectification” at nanawagan ng buong responsibilidad na paghingi ng paumanhin, habang hinimok ang House Ethics Committee na magsagawa ng angkop na aksyon.