Nanawagan si Senator Erwin Tulfo sa mga kasamahan sa Senado na itigil na ang hidwaan sa pulitika at magkaroon na ng pagkakaisa sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng bansa.

Ayon kay Tulfo, walang pinipiling kulay ang gutom, mahal na pagpapagamot at kahirapan anumang panig ang sinusuportahan ng mga kapwa senador kung kaya’t dapat aniyang isantabi na muna ang pamumulitika at tugunan ang problemang dulot ng krisis tuald ng gutom at medikal na pangangailangan ng mga Pilipino.

Ang panawagan ng senador ay sa kabila ng patuloy na hindi pagkakaisa sa Senado dahil sa hindi ma resolba na alitan sa liderato ng institusyon.

--Ads--

Iginiiit ni Tulfo na hindi na umano usapin ng panig ang problemang kinakaharap ng bansa, maging Marcos loyalist, Duterte supporters, at Leni followers aniya ay nakakaranas ng taas presyo sa bilihin.

Kaugnay nito, umapela ang mambabatas sa Senado na ituon ang pansin sa kanilang mandato at itigil na ang alitan. Aniya, sa panahon ng krisis ang mga pinuno ng bansa ang dapat nagkakaisa at hindi nagwawatak-watak sa mga Pilipino.

Binigyang-diin n senador na iisang problema lamang ang kinakarap ng mga bansa kung kaya’t nararapat na manatiling nagkakaisa sila sa Mataas na Kapulungan para sa interes ng taumbayan.