DAGUPAN CITY- Isang panibagong pag-asa para sa Rise Up For Life And For Rights na mapabilang sina Sen. Bato Dela Rosa at Sen. Bong Go sa mga co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa War on Drugs campaign nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rubylin Litao, Coordinator ng nasabing grupo, matagal na itong inamin ng dating pangulo subalit, ngayon lamang nailantad kung sinu-sino ang mga ito.

Maliban pa sa dalawang senador, nabanggit din sina Vicente Danao, Camilo, Cascolan, Oscar Albayalde, Dante Gierran, Isidro Lapeña, Vitaliano Aguirre II, at iba pang miyembro ng Philippine National Police at high-ranking government officials.

--Ads--

Aniya, inaasahan na nila ito subalit, ang pagkakabanggit ng International Criminal Court (ICC) ay kumpirmasyon at senyales na may pananagutan ang mga ito.

Gayunpaman, nangangamba sila sa hindi pa pagpapakita ni Sen. Bato Dela Rosa dahil sa naaapektuhan nito ang kaniyang katungkulan sa senado.

Nananawagan naman si Litao sa patuloy na pagsuporta ng publiko.