DAGUPAN CITY- Nagkaroon ng seminar ukol sa Bomb Threat Awareness ang Bureau of Jail Management and Penology male dormitory dito sa lungsod ng Dagupan.

Tatlong (3) tauhan mula sa PNP-Explosive Ordnance Dsiposal, Eastern Pangasinan ang dumating sa naturang pasilidad para sa pagsasagawa ng seminar.

Ang seminar ay inorganisa ng operasyon seksyon na pinangunahan nina PEMS Virgo V Enrique at PSMS Jesus A Villanueva bilang mga pangunahing tagapagsalita na sistematikong ipinaliwanag ang bomb threat, mga kategorya ng bomba, kung paano ginagawa at pamamaraan ng banta ng bomba sa telepono, wastong paghawak at iba pa.

--Ads--

Pinalawak ng seminar ang mga platapormang pang-edukasyon para sa mga tauhan upang magkaroon ng mga ideya at pananaw tungkol sa mga banta ng bomba, mga protocol at pamamaraan ng kaligtasan, pakikipag-ugnayan sa mga ahensya ng pagpapatupad ng batas, at kamalayan sa banta ng bomba na naglalayong maging handa sa paghawak ng mga kritikal na sitwasyon nang mabilis at mahusay.