Katulad sa Pilipinas ay nagsasagawa din sila ng prusisyon sa Sint Maarten tuwing sasapit ang Semana Santa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rosalie Realon – Bombo International News Correspondent sa Philipsburg, Sint Maarten aniya na may gumagaya din bilang si Kristo ngunit hindi katulad sa atin na nagpapapako ang mga ito sa krus.

Hindi pinapalo o hinahampas ang mga ito habang nagpuprusisyon.

--Ads--

Ang pagsasagawa nito ay karaniwang nagsisimula sa simbahan at iikot lamang sa mismong bayan at balik na ulit sa simbahan.

Bagamat ay Roman Catholic ang dominanteng relihiyon doon kaya’t karamihan ay nagsasagawa nito.

Samantala, hinggil naman sa pagkain ay ipinagbabawal din ang pagkain ng karne gayundin ang itlog.

Bukod dito ay bawal din ang pag-inom ng alak o anumang klase ng inuman.

Nagsimula naman ang pagpapatupad ng walang klase at pasok sa mga manggagawa sa araw ng huwebes.