DAGUPAN CITY– Matinding selos ang nakikitang motbo sa pagpatay sa isang 37 anyos na lalaki sa lungsod ng Urdaneta Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Jun Cordejon na residente ng barangay Bactac ng nasabing siyudad at suspek na si Jimmy Biado, 39 anyos na magsasaka na residente ng naturang lugar.
Base sa salaysay ng suspek, giniit niya na nahuli niya ang kaniyang asawa na kausap ang biktima sa cellphone para magkita sa lungsod ng Urdaneta. Nagbunga ito ng pagaaway ng suspek at kaniyang misis.
Sinugod ng suspek ang biktima sa palayan kung saan nagpapastol ito at doon na sinaksak sa katawan gamit ang bolo nito.
Agad namang isinugod ang biktima sa Urdaneta District Hospital ngunit binawian din ito ng buhay.
Samantala, kusa namang sumuko ang suspek sa mga opisyal ng barangay at kasalukuyang nasa kustodiya na ng Binalonan PS .