DAGUPAN CITY– Selos ang tinitignang motibo ng mga otoridad kung bakit nagawang patayin ng isang mister sa pamamagitan ng pananaga ang kaniyang misis sa Brgy. San Gabriel, Bayambang, Pangasinan.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni Pangasinan Provincial Director P/Col. Redrico Maranan, na selos ang sinasabing motibo ng suspek na kinilalang si Rosendo Panaman, 47 anyos upang mapatay ang misis nitong si Marivic Panaman, 42 anyos subalit patuloy parin aniya silang nangangalap ng karagdagang impormasyon nan makapagpapatibay dito.

Subalit, bago umano ang insidente ay napansin na ang pagbabago sa ugali ng suspek simula ng umuwi ito sa kanilang tahanan matapos ang halos dalawang buwang pagtatrabaho sa lungsod ng Maynila bago patayin ang kaniyang misis.

--Ads--
Pangasinan Provincial Director P/Col. Redrico Maranan

Samantala, nilinaw naman ni Maranan na wala ng iba pang nataga ang suspek bukod sa kaniyang misis at hindi na maituturing na isang hostage ang nangyari dahil pagdating ng PNP ay napatay na ang ginang.

Pangasinan Provincial Director P/Col. Redrico Maranan

Sa ngayon, ang mga anak ng mag-asawa ay nasa kostudiya na ng kanilang mga kaanak.