DAGUPAN CITY–Selos ang nakikitang dahilan ng pagbibigti ng isang 26 anyos na mister sa bayan ng Sual Pangasinan.

Ayon kay Police Capt. Fredwin Sernio, hepe ng Sual PNP, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na madalas magkaroon ng pagtatalo ang biktima at kaniyang maybahay dahil sa selos.

Ayon pa sa hepe, sinabi mismo ng 28 anyos na asawa ng biktima na nagseselos ang kaniyang mister sa mga kachat niyang lalaki subalit mariin nitong itinanggi na mayroon siyang ibang karelasyon o kalaguyo.

--Ads--

Nauna rito, naglasing ang biktima bago ito magbigti habang mahimbing na natutulog ang maybahay nito at mga kasama sa bahay.

Natagpuang nakabigti ang biktima sa loob ng kanilang CR gamit ang lubid.

Police Capt. Fredwin Sernio, Chief of Police- Sual PNP

Wala naman aniyang problema sa pinansyal ang mag-asawa dahil pareho silang may trabaho kung saan isang stockman sa isang kompaniya dito sa Pangasinan ang biktima.

Posible ayon sa hepe na epekto na rin ng kasalukuyang sitwasyon na mayroong pandemiya kung saan medyo nakakadepress sa pakiramdam at nadagdagan pa ng pagseselos ng biktima dahil sa di umano’y kachat na lalaki ng maybahay nito.

Tumanggi na rin ang pamilya ng biktima na magsagawa ng autopsy dahil base naman sa visual marks nito wala namang bakas ng struggle marks ang biktima maliban sa leeg.

Payo naman ng hepe sa mga ganitong panahon ng pandemiya, importante din na maging malusog .


Marami aniyang institution o indibidwal gaya ng simbahan, lokal na pamahalaan at kapulisan kung sakaling kailangan ng guidance councelling para tumulong at gumabay para hindi na maulit pa ang naturang insidente.