DAGUPAN CITY- Nagsagawa ng selebrasyon ng World Aids Day ang City Health Office ng syudad ng Dagupan sa pamamagitan ng mga aktibidad para mapataas ang kamalayan ng publiko at sapat na impormasyon.
Ayon kay City Health Office Dra. Ophelia Rivera, na nakatakda ngayon araw, December 4 ang paggunita ng World Aids Day sa Dagupan city National High School kung saan layunin ng aktibidad na mapataas ang kamalayan ng publiko lalong lalo na ang mga kabataan ukol sa Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) at Human Immunodeficiency Virus (HIV), at paano ito nakukuha at maiiwasan. Kaugnay din nito ay may mga nakalatag pang mga programa ang tanggapan
Ang HIV ay isang virus na nagdudulot ng immunodeficiency. Ang AIDS ay ang huling yugto ng HIV, kung saan ang katawan ay hindi na nakakapaglaban sa mga sakit. Ang mga sintomas ng AIDS ay kinabibilangan ng Tuberculosis, Pnuemonia, at iba pang mga sakit na dulot ng malalakas na bakterya o organismo.
Dagdag pa niya na Ang HIV-AIDS ay wala pang lunas at hindi rin dapat ikahiya ng mga taong mayroon ng HIV/AIDS kung kaya’t mas mainam na magpasuri upang mabigyan ng payo at gamot.
Samantala, base sa kanilang datos simula taong 1984 hanggang sa kasalukuyan ay mayroon na halos 200 na nagpositibo sa naturang sakit.
Bukas naman ang kanilang tanggapan sa lahat ng mga gusting magpasuri upang maagapan at maantala ang paglala ng sakit.