Ibang iba ang pagseselebra ng bansang Malaysia sa pagasapit ng Undas.
Yan ang ibinahagi ni Maria Corazon Anlap Nadura Bombo International News Correspondent sa naturang bansa kung saan aniya 1 out of 10 ay dalawa lamang ang nagcecelebrate.
Bukod dito ay walang masyadong nagpupunta sa mga puntod doon at sa kani-kanilang tahanan lamang nagtitirik ng kandila.
Kapag undas din ay may pasok sakanila kaya’t ang Nobyembre 1 ay hindi gaanong ginugunita.
Samantala, ang ibang mga katoliko naman dito ay nagpupunta din sa mga puntod upang mag-alay ng mga bulaklak at magtirik ng kandila.
Dahil sa dikit-dikit ang mga puntod doon aniya ay hindi nila nagagawa ang gaya ng bating mga nakasanayan na magpunta doon mula gabi hanggang kinabukasan at doon magmeet-up kasama ang pamilya.
Paalala naman nito bagamat ay hindi natin alam kung kailan tayo babawian ng hininga ay enjoy the moment lalo na kapag kasama ang mga mahal sa buhay.