Dagupan City – Hindi masiyadong ginugunita ang ang pagselebra ng bagong taon sa Sint Marteen.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Rosalie Realon – Bombo International News Correspondent sa Philipsburg, Sint Maarten, sa loob ng 15 taon nitong pananatili sa bansa, hindi pa nito naranasang iselebra ng mga residente at tubong Sint Maarten ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
Sa katunayan aniya, kakaunti lamang din ang mga dekorasyon na makikita sa kanila, at hindi rin sila naghahanda ng mga pagkain.
Aniya, isa sa mga nakagawian ng mga tao roon ay igunita na lamang ito sa loob ng mga restaurants at nagpupunta sa dagat upang doon isagawa ang mga paputok dahil ipinagbabawal ito sa kakalsadahan o malapit sa tahanan.
Sa kabila nito, binabawi na lamang aniya nila ang paingay at paggunita sa pamamagitan ng pag-fireworks ng kanilang pamahalaan na tumatagal naman sa tinatayang 20 minuto.