Dagupan City – Naging matagumpay at nanatiling payapa ang isinagawang selebrasyon ng Pistay Dayat 2025 sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Kapya N. Flores, Emergency Operations Center Unit Head ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa kabila kasi aniya ng pagbisita ng mga libo-libong beach goers sa lalawigan sa unang araw ng mayo, naging mapayapa at maayos naman ang mga turista.
Ngunit kung ikukumpara naman aniya ang datos noong nakaraang taon sa nagyon, mas bumaba umano ang bilang ngayong taon. Kung saan, nakapagtala lamang ng 10% beach goers sa bahagi ng Western Pangasinan.
Kaugnay nito, nagpatupad din aniya ang Disaster Risk Reduction and Management Office, Local Government Units para makipagtulungan sa kanilang ipisina at matutukan ang mga magtutungo ng dagat.
Isa na nga rito sa isinagawa para mapanatili ang kaligtasan ay ang paglalagay ng warning flags, nangangahulugan na mataas ang tiyansa na maatake ng jellyfish o may banta ang alon.
Samantala, patuloy naman ang paalala ng opisina sa publiko hinggil sa health safety tips para maiwasan ang kaso ng heat exhaustion o heat stroke.