Dagupan City – Tila ba may kakaibang tradisyon ang bansang Ireland tuwing sumasapit ang pasko.
Ito ang binigyang diin ni Jeffrey Camit, Bombo international News Correspondent sa Ireland. Aniya, sa bansang kaniyang kinaroroonan, bukod sa pagluluto ng kakaibang pagkain gaya ng turkey o roasted duck.
Isa sa kanilang kakaibang nakagawian ay ang pagsisilbi ng mga tatay sa mga nanay.
Ngunit dahil kilala rin ang Ireland bilang isang Christian Country, may pagkakapareho na rin ito ng tradisyon at kultura sa tuwing sumasapit ang pasko.
Gaya na lamang ng paglalagay ng mga christmas decorations mapaloob at labas ng bahay, malls, kakalsadahan, at mga villages. Dagdag pa ang nakagawian sa Pilipinas na Christmas eve.
Samantala, sa kabila ng lamig na panahon sa kanila, inaasahan naman ang gagawing sleberasyon ng mga ito kasama ang iba pang Filipino Community sa bansa upang sabay-sabay gunitain ang pasko sa kulturang nakasanayang pamamaraan sa Pilipinas.