Dagupan City – Mayroong pagkakapareho ng selebrasyon ng pasko sa Brazil sa paggunita ng okasyon sa bansa.
Ayon kay Honey Cristy, Bombo International News Correspondent sa Brazil, gaya ng Pilipinas, itinuturing ding holiday ang disyembre 25 sa bansang kaniyang kinaroroonan.
Dagdag pa ang pagkakaroon din ng exchange gifts, Christmas parties, Christmas decorations at mga pailaw sa daan.
Ngunit binigyang diin nito na kung ikukumpara ang selebrasyon sa Pilipinas, ibang-iba pa rin ito, dahil BER months pa lang sa bansa ay ramdam na ang diwa ng pasko.
Isa naman sa mga kakaibang tradisyon at nakagawian ng Brazil tuwing sumasapit ang pasko ay ang paghahanda nila ng ham, habanada o ang tinatawag na French toast sa Pilipinas.
Kaugnay nito ang pagsusuot din ng puting damit na kinikilalang simbolo ng kapayapaan.
Isa naman sa mga namimiss nito sa Pilipinas ay ang christmas carols at simbang gabi.
Samantala, nagsagawa naman na ng Christmas party ang mga Filipino community sa Brazil.