Dagupan City – May kakaibang tradisyon sa araw ng pasko ang selebrasyon ng pasko sa Bermuda.
Ayon kay Ryan De Jesus, Bombo International News Correspondent – Hamilton, Bermuda, kung sa bansang Pilipinas ay nagsisimula na sa setyembre ang paglalagay ng dekorasyon, sa Bermuda naman ay nagsisimula na sila pagkatapos ng Halloween o sa unang araw sa Disyembre.
Dagdag pa ang kanilang tradisyon na pinupuntahang kung saan ay dinadayo ng mga ito ang isang specific beach kahit na malamig dahil maaari itong ihalintulad sa tubig na punong-puno ng yelo at eksaktong araw ng pasko ay naliligo at nagpipicnic ang mga ito dala ang kanilang Roasted turkey, at ang hindi mawawalang Bermuda Cassava cake.
Sa Disyembre 26 naman aniya ay holiday din dahil itinuturing nila itong boxing day.
Sa pagkakapareho naman aniya, gaya ng Pilipinas, mayroon din silang simbang gabi, Christmas eve, Christmas party celebrations na gaya ng Pilipinas, at ang nakagawiang mga Christmas village.