DAGUPAN CITY- Hindi nalalayo ang pamamaraan ng selebrasyon ng bagong taon sa Lebanon kung ikukumpara sa Pilipinas.
Ayon kay Bhingcat Scoth Brite, Bombo International News Correspondet sa nasabing bansa, naiiba lamang ay kakaonti ang nagpapaputok sa bansang kaniyang kinaroroonan at hindi tulad sa Pilipinas na kaliwat kanan itong nakikita tuwing bagong taon.
Aniya, umaabot lamang ng hating gabi o ala-1 ng madaling araw an selebrasyon at pagkatapos nito ay natutulog na rin ang mga Lebanese.
Pagdating naman sa pagkain, kaonti at simple lamang ang kanilang inihahanda.
Sinabi naman ni Brite na nagkakaroon din ng pagsasama-sama ng mga Filipino Community upang salubungin ang pagpasok ng bagong taon.
Samantala, hindi maitanggi ni Brite na labis niyang nami-miss ang pagdiwang ng bagong taon kasama ang kaniyang pamilya.
At sa tuwig sumasapit ito, tanging kinakausap niya lamang ang kaniyang pamilya sa pamamagitan ng video call.