Bahagyang nabago ang selebrasyon ng pagsalubong ng bagong taon sa bansang Australia dahil sa covId 19.
Kanselado ang concert at fireworks sa ilang lugar sa Australia.
Ayon kay Denmark Suede, Pinoy Nurse sa Sydney Australia, una aniya sa kasaysayan ng bansa sa nakalipas na 44 na taon na naging virtual ang concert sa Sydney na dati ay dinaluhan ng 1.6 million noong nakalipas na taon.
--Ads--
Sa pagsalubong ng 2020, sinunog umano ang 6.5 million Australian dollar na halaga ng fireworks na nahati sa dalawa dakong ala-9 ng gabi at hatinggabi pero ngayon ay isinagawa na lamang sa ala-12 ng hatinggabi.
Binawasan din ang oras na tumagal lamang ng 7 minuto at hindi ito pinahintulutang masaksihan ng personal ng publiko.