Pagkalipas ng nagdaang pandemya na siyang labis na nakaapekto sa sektor ng turismo, unti-unti na ulit na nakakabawi ang stakeholders sa bilang ng mga turista sa Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan.
Laking pasasalamat daw ni Miguel Sison, ang Tourism Officer ng naturang lungsod na nagkaroon na ng maluwag na restrictions dahil ito ang naging daan ng pagdami ulit ng mga turista lalo na sa kanilang Hundred Islands na siyang kilalang-kilala sa lalawigan ng Pangasinan.
Dahil dito, nakakabawi na rin aniya sila sa kanilang gross income.
Ibinahagi ni Sison ang kanilang datos kung saan ang kanilang kabuuang kitang 389,006 noong nakaraang taon ay hindi umano nila inasahang malalampasan ang kanilang target income partikular sa taong 2022.
Bagamat hindi pa aniya bumabalik ang kanilang dating kinita na halos umaabot sa 600 million sa isang taon noong hindi pa dumadaan ang Corona Virus 2019 (COVID-19) sa bansa, masaya naman aniya silang umaabot na sila ngayon sa 1,000 to 2,000 guests sa loob ng isang araw na kinabibilangan ng mga domestic, local at maging ng mga foreign tourist.
Aniya sa loob pa nga lang daw ng buwan ng Enero ay halos umabot na raw sila sa milyong income. Ang laking bawi rin aniya noong makaraang holiday season dahil nagdagsaan ang mga turista sa Hundred Islands.
Ang kanila aniyang gross income noong kasagsagan ng pandemya ay umabot sa 6.1 million, noong 2022 naman umabot ang kanilang kita na 33.2 milyong peso. Sumatutal ay umabot sila sa 33,284,594 na gross income ng kanilang tourism office.
Ngayong taong 2023 naman ang kanilang target na kita aniya ay 40 milyong peso.
Pinag-iigihan naman nila ang pagpapaganda at pagpapaunlad pa ng Hundred Islands sa katunayan nga raw ay may bagong isla silang ipapakilala sa mga turista, ito ay ang Ramos Island.
Kanila itong bubuksan sa panahon ng Holy week kung saan magkakaroon aniya sila ng art exhibit at bonsai exhibit. Magkakaroon din ito ng functional hall at mga dormitory type na accommodation eshtablishments.
Hiling din ni Sison na sana ay hindi gaanong marami ang mga bagyong dadaan sa bansa ngayong taon dahil itinuturing nila itong low times kung saan matumal talaga ang kanilang kita dahil ang naturang island ay itinuturing na sand, beach and sea destination kaya hindi ito ma-eenjoy ng mga turista kung maulan.
Sa ngayon ay nag-imbita sila ng 100 katao na siyang nagboluntaryo upang mapanatili ang kalinisan sa naturang isla. Binibigyan naman sila ng libreng shirts at pagkain.
Nagpahayag ng pag-anyaya ang naturang opisyal ng turismo para sa mga mamamayan na bumisita lamang sa kanilang tampok na tourist spot dahil ginagawa naman aniya nila ang lahat para sa ikasasaya ng mga ito.
Ani pa niya, “In Hundred Islands, it is hundred thrills and hundred feels.”