BOMBO DAGUPAN- Labis na inabangan ng buong mundo ang opening ceremony ng Paris Olympics 2024 kaya tiyak ang mahigpit na seguridad sa Paris, France.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Vladelyte Valdez, Bombo International News Correspondent sa Paris, France, nakahigh alert ang Police Forces sa naturang bansa para bantayan ang okasyon.

Marami din kaseng pangamba sa Paris bunsod din sa terorismong pag-atake.

--Ads--

Naglagay din ng umaabot sa 40,000 barricades sa Paris ang mga otoridad.

Kinakailangan naman ng QR code upang makapasok sa check point ng Olympics Zone.

Ani Valdez, isang buwan bago ang Paris Olympics nang maglabas sila ng QR code subalit naging mahigpit din umano ang mga otoridad dahil wala din kasiguraduhan kung makakakuha ito base sa nilalabas ng kanilang check system.

Samantala, mabigat na din ang trapiko sa Paris kaya naglabas ng abiso ang mga otoridad na iwasang umikot sa Paris gamit ang anumang sasakyan upang magkaroon ng daan.