BOMBO DAGUPAN- Nakikipagtulungan na ang mga opisyal ng Republican National Convention sa Secret Service at iba pang mga law enforcement agencies upang paghandaan ang susunod na paglabas ni former US President Donald Trump.

Kinumpirma ni Trump ang kaniyang mga plano sa linggong ito kabilang na ang gagaganaping convention sa Milwaukee.

Ito umano ang isa sa mga lugar sa Estados Unidos na kanilang inaasahang boboto para kay Trump.

--Ads--

Saad naman ni RNC chair Michael Whatley, maaayos at komportable silang nakikipagtulungan sa Secret Service at sa 40 iba’t ibang law enforcement agencies upang matiyak ang seguridad.

Dagdag pa niya na importante itong daluhan ni Trump para kaniya din ipahayag ang pagkakaisa sa America.