Tiniyak ng City Tourism Office sa lungsod ng Alaminos na palalakasin pa nila ang pagbabantay sa sikat at dinarayong Hundred Island National Park para na rin sa seguridad at kaligtasan ng mga turistang dumadayo dito.
Ayon kay Mike Sison , tourism officer ng naturang syudad, bagama’t hindi pa tuluyang sumapit ang semana santa, nagpapatupad na aniya sila ng ilang mga security control upang mapanatili ang
May requirement din umano sa lahat ng magtutungo sa isla kung saan kinakailangan ng mga ito na mag-fill-up ng manipesto para narin sa kanilang kaligtasan. Ayon pa kay Sison, pamamaraan ito upang mamonitor ang bilang ng mga tao sa isla at malaman ang kanilang contact person sakaling magkaroon ng emergency.
Bukod pa dito, inumpisahan na rin aniya nilang ipatupad ang ‘Drop off, Pick Up Scheme’ kung saan ang mga motorboats o motor bangkas ay naghahatid ng mga turista sa isang partikular na isla at iiwan ang mga ito pansamantala. Babalik naman umano ito upang kumuha at magsakay ng panibagong batch ng mga dayuhan. Sa ganito aniyang paraan ayon kay Sison, ay matutulungan ang mga drayber ng motor bangkas na makapagbyahe ng dalawang beses sa isang araw.
Kasalukuyan umanong nakakalat ang mga tourist police na nagbabantay sa mga turista at magmamamasid sa mga kahina-hinalang mga tao sa lugar.
Ayon pa sa opisyal, hindi lang PNP ang nagbabantay sa mga beach, kundi maging ang floating assets ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Navy. int of Bombo Framy Sabado//Zona Libre Program