Magagarantiya lamang ang seguridad ng mga mangingisda sa West Philippine Sea kung igagalang o kikilalanin ng China ang anumang hakbang ng gobyerno.

Ayon kay Pablo Rosales, Presidente ng Pangisda Pilipinas, mahalaga na magkaroon ng bagong mapa ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea bilang pantapat sa 9-dash line ng China.

Maganda ang nasabing hakbang upang hindi nayuyurakan ang karapatan ng mga mangingisda sa bansa.

--Ads--

Naniniwala naman siya na may balak din naman ang China para igiit na pag ari ng WPS.

Kilala aniya ang China na may marahas na hakbang kaya marapat talagang mapigilan para malayang makapangisda ang mga mangingisda ng bansa.

Umaasa naman si Rosales na maipagtanggol ang karapatan natin sa pinagaawayang karagatan sa mapayapang pamamaraan.

Samantala, iniulat din niya na hindi pa nakakabangon ang mga mangingisda lalo na ang mga nagpupunta sa malayong karagatan matapos ang naranasang bagyo at kailangan nilang ayuda mula sa pamahalaan.