Tinitiyak ng tanggapan ng Department of Information and Communications Technology o DICT Region 1 na hindi lamang sila basta kabit ng kabit ng free wifi sa mga pampublikong lugar.

Ayon kay Jaemie Chua Chief Administrative Officer ng DICT Regional Office I namomonitor nila ang seguridad at galaw sa pamamagitan ng kanilang Network Monitoring System na kung saan dito ay nagkakaroon sila ng parental control filters para hindi lahat ay maka access lalo na sa mga delikadong sites online.

Giit ni Chua na marami pa din ngayon ang mga nabubudol at nai-scam online gayundin ang paglaganap ng child pornography kaya naman mahigpit nilang kino-control ang mga access sa pag install ng free wifi sites sa publiko.

--Ads--

Batid naman aniya sa delikado o maaaring ikapahamak ng kahit na sinuman ang pag access sa mga dangerous sites kaya’t napaka importante kung itanong o magsaliksik muna ukol sa legalidad ng naturang mga sites bago i-access.

Bukod dito isa din sa mga trabaho ng kanilang site coordinators ay ang regular na pagtawag para ma-monitor kung down ba yung site, gumagana, o nakaka access ba sa internet.

Maaari aniyang makakuha ang publiko ng 50-100MBPS, at kasabay nito ang pagsisiguro na ang mga ininstall nilang wifi ay hindi naaabuso kaya naman ang kanilang mga filters o control lalo na sa mga kabataan.

Katuwang din aniya nila ang mga LGU’s sa pagrereport ng mga down sites sa kanilang lugar.

Pagdating naman sa budget ng free wifi ngayong taon, mayroong nailaan na P43-B kung saan kasabay ng malaking ponding ito ang kasiguraduhan na malalagyan ang lahat ng mga pampublikong lugar.

Batay naman sa kanilang datos, ang pinaka active sa paggamit nito at sa bahagi ng Ilocos Sur na mayroong 1,100 na mga gumagamit ng free wifi, sumunod naman sa bahagi ng Pasuquin na may 74,434 ang Pid-dig na mayroong 48,507 at sa Bacara na mayroong 34,734. Ito ang mga nangungunang LGU’s na aktibong gumagamit sa free wifi.