Dagupan City – Nasawi ang secutity guard na si Danilo Yance Libuan, 59 na taong gulang, may asawa at residente ng Brgy. Nandacan sa bayan ng Bautista, matapos ipinutok ang isang na baril sa kaniyang bibig, na kaniya lamang ipinuslit galing sa opisinang kaniyang pinapasukan.

Ayon sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Plt. Marcos Bautista Jr. ng Bautista Police Satation, binuksan ni Richard Gloria Padilla, 32 taong gulang old, may-asawa, isang security guard sa Cenpelco Bautista at residente ng Brgy. Bani, Bayambang ang kaniyang drawer kung saan napansin niya na nawawala na ang kaniyang caliber 9mm na service firearm.

Sinubukan pang hanapin ng guwardiya ang kinaroroonan ng kaniyang baril sa pag-asang baka naitabi niya lamang ito sa ibang table, ngunit hindi na ito natagapuan pa.

--Ads--

Dahil sa pangyayari, napagdesisyonan ni Padilla na tingnan ang CCTV sa opisina at nakita sa footage ang aktong pagkuha sa kaniyang baril ng kaniyang ka-trabaho na si Danilo Yance Libuan.

Samnatala, naka-alis na si Libuan at nakauwi na sa kaniyang bahay, kaya’t agad na pumunta sa pulisya si Padilla upang ireport ang nasabing insidente.

Rumesponde agad ang mga pulis at pumunta sa nasabing opisina, kung saan tiningnan ng nasabing operatiba ang CCTV footage upang kumirmahin ang pangyayari.

Pagkataos ng kompirmasyon, tinawagan agad ng pulisya ang kapitan ng barangay upang pumunta sa bahay ni Libuan at makausap ito ukol sa pangyayari.

Inamin naman ng biktima ang nasabing pagkuha ng baril sa opisina at sinabing ibabalik din kaagad sa opisina. Kaagad ding pumasok ang biktima sa kaniyang bahay at ipinutok ang baril sa kaniyang bibig na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Narekober sa lugar ng insedente ang isang caliber 9mm na baril, isang empty shell isang slug ng kaparehong baril.
Tumulong naman ang SOCO Team ng Pangasinan Forensic Unit – Urdaneta City sa pagsasagawa ng crime scene prosessing. (Luz Casipit)