DAGUPAN CITY- Arestado ang isang 44-anyos na security guard matapos itong mahuli sa buy-bust operation sa Dagupan City.
Kinilala ang suspek bilang si Jonard Villamiro, residente mula sa bayan ng Binmaley at nagttrabahong security guard sa isang subdivision sa Barangay Malued sa nasabing lungsod.
Ayon kay PLT Jesus Gerard Manaois, Operation Officer ng PNP Dagupan, nahuli ang suspek matapos magpanggap na buyer ng hinihinalang shabu ang kasaman ng pulisya.
Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 10 gramo at nagkakahalaga ng ₱68,000.
Sa ngayon, hawak na ng awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sakanya na posibleng maharap sa
RA 9165 O comprehensive dangerous drugs act of 2002 kung saan non-bailable ang kasong isasampa laban sa nasabing gwardya.