DAGUPAN, CITY— Nakahanda na ang Pangasinan Provincial Health Office sa nakatakdang mass testing ngayong araw.
Ito na ang second wave ng mass testing sa probinsya.
Ayon sa PHO, target nilang maisailalim sa mass testing ang humigit 5,000 na frontliners.
--Ads--
Kabilang sa sasailalim sa mass testing ang mga kasapi ng PNP, BFP, Hospital frontline workers at iba pang kabilang sa nagpapatupad ng risk reduction management sa panahon ng covid 19 pandemic.
Nauna nang isinagawa ang unang bahagi ng mass testing sa lalawigan na naglalayong alamin ang mga mild Patients Under Investigation (PUI) sa mga vulnerable at high risk groups kung mayroong nahawa sa virus.