DAGUPAN CITY- Ikinalugi na ng ilang mga onion grower sa Rizal, Nueva Ecija ang pinsalang idinulot ng mga harabas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Renato Sundiam Jr., residente, karamihan sa mga napeste ay mga puting sibuyas at nangangamba na lilipat ang mga ito sa mga pulang sibuyas.
Aniya, mga taniman na halos wala nang natitira o kaonti na lamang ang maaari anihin.
Kahit pa aniya anong gamitin ng mga magsasaka ay tila hindi mapigilan ang mga harabas.
Ang pagtatanim ng sibuyas na kamakailan lamang itinanim ay pambawi sana ng mga magsasaka sa pinsalang iniwan ng mga nagdaang bagyo.
Hiling naman ng mga magsasaka na mapansin ng gobyerno ang kanilang kinakaharap upang mabigyan ito ng aksyon.
Sa ngayon aniya, wala pa silang balita hinggil sa planong pagtugon ng Local Government Unit.
Samantala, sa kasalukuyan ay nagkakaroon ng pagtaas sa presyo ng pulang sibuyas.
Kaya kahilingan din ng mga magsasaka ang pagtaas pa ng presyo para makabawi sa kanilang pagkalugi.