Dagupan City – Naglunsad ng “Search for the Most Resilient Barangay 2024” ang Lokal na Pamhalaan ng Alaminos katuwang ang CDRRM Office sa mga barangay ng syudad.
Layunin nitong bigyan ng pagkilala ang mga barangay na nagpakita ng kahusayan sa paghahanda at pagtugon sa sakuna, pati na rin sa mga inobasyon at best practices sa disaster management.
Ang kompetisyon ay naglalayong hikayatin ang mga barangay councils at BDRRMCs na palakasin ang kanilang kakayahan at mapalawak ang serbisyo sa pagtugon sa mga kalamidad.
--Ads--
Bibigyan naman ng parangal at insentibo ang mapipiling barangay para sa naturang kompetisyon na makakatulong para sa kanilang barangay. (Aira Chicano)