Pormal ng kinasuhan ng mga kapulisan ang isang seaman na nambastos at nanuntok ng isang pulis sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan.
Ayon kay P/Capt. Arnulfo Rigos III, deputy chief of police ng Mangatarem Police Station, sinampahan na nila ng Direct Assault ang suspek na kinilalang si Michael Camota na isang seaman dahil sa ginawa nito sa kanilang pulis.
Ayon kay Rigos, rumispunde lamang ang kanilang hanay sa isang tawag ng isang concerned citizen kung saan may mga kalalakihan na sumugod sa isang bahay sa Brgy. Naguilayan West. Nang makarating aniya sa lugar ay agad ng lumapit ang suspek sa mga pulis at sinuntok ang isa sa mga police officer.
Nasa impluwensiya aniya ng alak ang suspek kung kaya’t humingi sila ng tulong sa mga kamag-anak nito para pakalmahin si Camota upang kanilang maaresto.
Dagdag pa ng opisyal, misunderstanding sa pagitan ng magkamag-anak ang dahilan ng pagsugod ng suspek sa naturang lugar. with reports from Bombo Cherryl Cabrera