Dagupan City – Matagumpay na naisagawa ang Seal of Good Local Governance Assessment sa Lokal na Pamahalaan ng Anda, Pangasinan.
Dinaluhan naman ang assessement ng lahat ng mga focal persons at department heads na pinangunahan ni Anda Mayor Joganie Rarang upang ipakita ang mga dokumento na nagpapakita sa pagimplementa ng mga mandato bilang isang lokal na pamahalaan.
Sinukat din dito ang kakahayan at kahusayan ng Lokal na pamahalaan sa iba’t ibang aspeto ng pamumuno gaya ng Financial Administration and Sustainability; Disaster Preparedness, Social Protection and Sensitivity; Health Compliance and Responsiveness; Sustainable Education, Business-Friendliness and Competitiveness; Safety, Peace and Order; (Environmental Management, Tourism, Heritage Development, Culture and Arts; at Youth Development at iba pang mga practices ng administrasyon.
angako naman ang kanilang mga opisyal na ipagpapatuloy ang masigasig na pagtratrabaho upang makamit ang SGLG Award.
Layunin naman nitona makilala ang munisipalidad na hindi lamang sa mga magagandang tourist attractions nito kundi ay isang munisipalidad na may mahusay na pamamahala.