Ginawaran ang bayan ng San Manuel ng Seal of Good Education Governance dahil sa maayos na kalidad ng edukasyon sa kanilang nasasakupan.
Ang naturang bayan ang siyang natatanging LGU dito sa lalawigan ng Pangasinan ang nakatanggap ng naturang parangal.
Ayon sa alkalde ng naturang bayan na si Mayor Kenneth Marco Perez, ibinahagi nito ang kanyang kagalakan sa natanggap na parangal ng kanilang bayan.
Aniya, ang naturang tagumpay ay dahil na rin umano sa maayos na pamamalakad at pakikipagtulungan ng kanilang LGU, mga private groups and indibiduals at mga pamunuan ng mga ekswelahan sa naturang bayan.
Malaking bagay din umano ang pagkakaroon nila ng maayos na dayalogo at meeting sa mga local school board, mga barangay capitains at principals upang mas maintindahan pa nila ang kahalagahan ng edukasyon sa kanilang bayan.
Sa kabila man ng limitadong pondo ng kanilang bayan lalo ngayong panahon ng pandemya ay mas tinaasan pa nila ang bilang ng mga scholars at sa katunayan ay nasa 130 na ito sa ngayon upang matulungan na makapagtapos ang mga estudyante sa pag-aaral.
Ibinase ang naturang parangal sa survival rate ng isang kumunidad na mapag-aral ang mga kabataan, ang mataas na reading ability at comprehension ng mga estudyante, at sa suporta at tulong na rin ng kumunidad sa edukasyon sa kanilang nasasakupan.
Ang Seal of Good Education Governance ay isang parangal sa mga mga lugar kung saan mataas ang estado ng edukasyon nagsimula pa noong taong 2017.