DAGUPAN CITY- Suportado ng SDO Pangasinan II ang plano ng Department of Education (DEPED) na gawin nang trimester system ang school calendar.

Naniniwala si Dr. Zarex Andree Cabatbat, Division Coordinator ng Campus Journalism, SDO Pangasinan II, na bago ang implementasyon ay dumaan pa ito sa masinsinang pag-aaral ng mga lider ng bansa.

At bilang bahagi ng sektor ng edukasyon ay kanilang responsibilidad ang pagsuporta upang matiyak na maging matagumpay ito.

--Ads--

Binigyan diin ni Cabatbat na ano man ang format ng semester ay pinakamahalaga pa rin ang maibigay ang kinakailangang edukasyon ng mga mag-aaral.

Maging ang mga miyembro ng Parents-Teachers Association (PTA) ay walang nakikitang problema sa pagpapatupad nito.

Gayunpaman, mahalaga pa rin na makita nila ang kabuoang plano nito upang maging malinaw ang nilalaman nito.

Saad pa ni Dr. Cabatbat, kung hindi man naging maganda ang takbo nito ay bukas silang magbigay ng feedback sa mga kinauukulan upang mapagbuti pa ang education system sa bansa.