Dagupan City – Pinaalalahanan ni Dr. Rowena Bauzon ang siyang Ceso V ng schools division superintendent ng Schools Division Office Dagupan City ang mga magulang na mas mainam na pabaunan na lamang ang kanilang mga anak sa pagkain para sa lunch time kaysa lumabas pa ang mga ito lalo na sa mga paaralan na nakararanas ng pagbaha dahil sa high tide upang makaiwas sa insidente o sa posibleng pagkuha ng mga sakit sa baha.

Halimbawa na lamang sa West Central school kung saan binabaha sa labas ang kanilang gate dahil sa high tide pagsapit ng tanghali.

Aniya bagama’t mayroon silang ginawang alternatibong daan gaya ng sandbag ngunit maituturing pa rin itong delikado para sa mga estudyante dahil madulas at madali itong masira.

--Ads--

Kung kaya’t mas mainam aniya na hintayin na lamang na humupa o mawala ito bago lumabas ang kanilang mga anak.

Kaugnay nito ay plano ng tanggapan at paaralan na magbukas ng isang gate sa mataas na parte na maaaring daanan ng mga estudyante at guro na hindi naaapektuhan ng baha para na rin sa kanilang kaligtasan.

Patuloy naman ang kanilang pakikipag-ugnayan sa City health Office para sa mga programang pangkalusugan.