‎Dinagsa ng mga estudyante at bisita ang ikalawang araw ng 2026 Regional Science, Technology, and Innovation Week o RSTW na ginanap sa lungsod ng Dagupan.

Tampok sa event ang iba’t ibang booths at exhibits na nagpapakita ng mga bagong ideya, research projects, at makabagong teknolohiya mula sa iba’t ibang paaralan at ahensya.

Layunin ng aktibidad na mas mailapit ang science at technology sa publiko, lalo na sa kabataan.

‎Isa sa mga highlights ng araw ang ginanap na qualifying at semi-finals ng Robotech Cup .

--Ads--

Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang galing sa robotics at pagdisenyo ng mga functional na makina.
Ayon sa organizers, mahalaga ang ganitong kompetisyon para mahasa ang skills ng mga estudyante sa engineering, programming, at problem-solving.

‎Nagkaroon din ng mga lecture at information sessions tungkol sa disaster preparedness at safety.
Tinalakay dito ang kahalagahan ng tamang kaalaman at paggamit ng technology sa panahon ng sakuna.

Ipinakita rin ang ilang kagamitan at systems na makatutulong sa mas mabilis na response sa emergency situations.

‎Dumalo sa aktibidad ang ilang kinatawan mula sa pamahalaan at education sector. Naging tampok din ang isang robot mascot na umani ng atensyon ng mga
‎kabataan.

Sa kabuuan, naging sentro ng event ang pagpapakita kung paano nakakatulong ang science at innovation sa paghubog ng mas handang at mas maalam na susunod na henerasyon.