Mga kabombo! Naniniwa ba kayo sa milagro?

Ito kasi ang naisip na pananamantala ng mga scammer!

Paano ba naman kasi, isang 35-anyos na indibidwal sa Brazil ang sangkot sa isang malawakang­ scam kung saan ipinagbibili ang mga AI-ge­ne­rated na “miracle prayers” sa mga nani­niwalang Katoliko, sa halagang humigit-kumulang P590 bawat isa.

--Ads--

Ang scam ring ay nag-operate sa Nilópolis sa loob ng dalawang taon.

Lumalabas umano sa ulat na tila-gumagamit pa ang grupo ng isang call center para kontakin ang mga biktima.

Ang estilo, kinukuha ang kanilang impormasyon, at ibinebenta ang mga personalized prayers na diumano’y makapagpapagaling ng sakit at magpapabuti ng buhay.

Maraming biktima ang humanga at nagbayad pa ng malaking halaga, umaasa sa himalang naibibigay ng mga dasal.

Nire-recruit pa umano ng grupo ang mga biktima sa social media sa pamamagitan ng isang “pastor” na nagpo-post ng mga motivational messages at nag-iimbita para sa “miracle” o “divine revelation.”

Dahil dito, nahaharap ang suspek sa kasong fraud at criminal conspiracy.

Hinihikayat ng mga pulisya na lumabas pa ang ibang mga nabiktima ng mga scammers para magsampa ng kaso.

Ipinunto ng pulisya ang epektibong paggamit ng AI sa modus operandi ng mga scammer, dahil nagawa nitong lumikha ng mga nakakaantig na teksto na umangkop sa bawat biktima, na siyang dahi­lan para sila magmukhang nakapagbibigay ng milagro.