Dagupan City – Habang maingay umano ang debate kung sino ang karapat-dapat sa paglalagay ng P-pop sa mapa.
Naging abala naman si Felip, na kilala bilang Ken mula sa sikat na Filipino boy band na SB19, sa pagpapakita ng mga kanta mula sa kanyang nine-track solo album, ang 7sins.
Ang konsiyerto kasi na ginanap sa The Space sa One Ayala sa Makati kamakailan ay minarkahan ang pampublikong paglulunsad ng album, na inilabas noong unang bahagi ng buwang iyon.
Kung saan, damang-dama ang pag-asa mula sa mga tagahanga, at marami ang matiyagang naghihintay sa pila bago pa man ang konsyerto.
At pagkatapos naman ng concert, abala si Felip sa kaniyang mga track album, kung saan ay kitang-kita umano ang pagsisikap na ipinuhunan sa palabas.
Ang kaniyang tema nang gabing iyun ay —ranging from stage design to lighting—perfectly capturing the album’s vibe: dark, brooding, raw, and bursting with energy.
Dagdag pa umano ang performance ni Ken sa “Lust” kasama si Filipino-Belgian singer-songwriter Cyra Gwynth.
Ayon sa mga nitizens, hindi lang ang kanta ng singer ang nangibabaw nang gabing iyun dahil ipinakita rin ang kasiningan at lalim nito bilang isang mang-aawit, manunulat ng kanta, at performer.