Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipagpapatuloy nila ang pagsasampa ng kaso kahit tapos na ang halalan sa mga barangay officials na sangkot sa lantarang pangangampanya sa sinusuportahang kandidato.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay DILG Undersecretary Martin Diño, sinabi nito na tinatayang nasa humigit kumulang na 100 barangay officials sa bansa ang inireklamo dahil sa pangingialam sa nakalipas na eleksyon.

DILG Undersecretary Martin Diño

Aniya, hindi nila tinatanggap ang mga reklamong batay lamang sa kwento at walang ebidensya kaya ito lamang ang bilang ng mga naipadalang reklamo sa kanilang tanggapan.

--Ads--

May mga natanggap din sila mula dito sa lalawigan ng Pangasinan ngunit agad naman aniyang nakapagpaliwanag ang mga barangay officials kaugnay sa reklamo laban sa kanila.

Ayon kay Diño, kabilang sa mga reklamo ay ang pagbili ng boto o vote buying at paggamit ng kapangyarihan ng mga barangay officials upang mapigilan at hindi makapagkampanya ang kandidatong katunggali ng kanyang sinusuportahan. with reports from Bombo Badz Agtalao