DAGUPAN CITY – “Not as common as people think.”
Yan ang ibinahagi ni Dr. Glenn Joseph Soriano, US Doctor at Natural Medicine Advocate kaugnay sa sakit na sarcoma kung saan ay isang kilalang doktor sa bansa ang kamakailan lamang ay nagbahagi na dumaranas ito ng nasabing sakit.
Ani Dr. Soriano na ang sarcoma ay isang malignant cancer at maaari itong madevelop sa anumang bahagi ng katawan ng isang tao.
Kung saan nabubuo sa mga connective tissues ng katawan, kabilang ang mga kalamnan, buto, tendon, at cartilage.
Hindi tulad ng mas karaniwang mga cancer, ang mga sarcoma ay medyo bihira bagama’t ang mga sarcomas ay nagkakaroon lamang ng maliit na porsyento ng lahat ng mga diagnosis ng kanser at maaari itong mangyari sa parehong mga bata at matatanda.
Aniya kung ito ay lumabas sa sensitive area ng katawan gaya na lamang sa malapit sa puso, lungs at spinal cord ay mahihirapan itong tanggalin sa pamamagitan ng surgical removal subalit kung ito ay nasa lugar na madali lamang matanggal kapag naalis ay wala ng aalalahanin ang isang taong dumaranas nito.
Bukod dito ay nakadepende din ang bilis ng pagdevelop nito sa mga tissues na apektado gayundin ang rate of survival ng isang tao ay nakasalalay din sa kung saan ang lokasyon at kung ano ang mga organs na apektado ng sarcoma.
Kaya’t isa sa mga salik na dapat isaalang alang ng isang tao ay ang pagkakaroon ng healthy habits iwasan din ang stressful life at poor nutrition.
Paalala niya na dapat ay palagiang mag-ehersisyo at hangga’t maaari ay palakasin ang sistema ng ating katawan upang maiwasan ang anumang genetic changes.