Tiniyak ng National Food Authority Eastern Pangasinan na sapat ang supply ng bigas dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon kay Frederick Dulay, Branch Manager ng NFA Eastern Pangasinan, nanatiling sapat ang buffer stock ng bigas sa probinsya at ito ay aabot pa ng hanggang summer cropping season sa susunod na taon.
Marami aniyang nabiling palay ang NFA sa nagdaang summer cropping season.
Sinabi nito na ang buying price ng ahensya ay nasa P29 per kilo ang clean and dry palay habang P21 sa wet palay.
Sa may bandang Alaminos City, angg halaga ng dry palay per kilo ay naglalaro sa P20-P23 kung saan mas mataas pa umaNo ang buying price ng NFA.
Dagdag pa rito na tinaguriang production area ang Pangasinan kaya hindi magkakaroon ng kakulangaan sa supplly ng bigas.
Ang tanging sagabal lang ay ang patuloy na pag ulan kaya hind makapag bilad ang mga magsasaka ng kanilang inaani.
Gayunman mayroon umanong mga mechanical drying services at solar drying Facilities na matatagpuan sa kanilang bodega.
Kung problema aniya ng ibang magsasaka ang gagamitin na pandeliber ng kanillang produkto, sila ay may truck na puwedeng mag pick up sa palay ng mga ito.
Nakahanda rin umano ang National Irrigation Administration o NIA na magpahiram ng truck.
Sa kasalukuyan ay nag naghaharvest na ang mga magsasaka lalo na sa westernpart ng probinsya.