Tuloy-tuloy ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa insidente ng pambubully sa isang estudyante.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Benjo Basas – Chairman, Teachers Dignity Coalition nakakagulat ang mga ganitong insidente lalo na ang pananakasak sa kapwa estudyante na ikinasawi ng isa.
Kaya’t kailangan na magkaroon ng malalimang imbestigasyon hinggil dito.
Bukod dito ay labis din niyang ikinababahala ang iba pang mga katulad na mga pangyayari kung saan hindi napipigilan ang ganitong insidente.
Binigyang diin naman nito na ang problemang ito ay sangkot ang lahat maging ang mga paaralan, magulang, komunidad at sistema.
Dahil sa napakaraming isyung kinakaharap sa sektor ng edukasyon dapat ay magkaroon ng sapat na polisiya kung paano ipapatupad at maayos na implementasyon.
Payo naman nito sa mga magulang na palagiang paalalahanan ang mga anak na huwag maging bayolente at huwag makipag-away dahil handa naman ang mga guro na tumulong.