Naitala ang unang positibong kaso ng COVID 19 sa bayan ng Santa Maria dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ito ay natukoy sa pamamagitan ng SARS-CoV2 Viral RNA Testing by RTP-CR Detection noong June 1.
Ang pasyente ay mula sa Barangay Paitan at may travel history sa Quezon City.
Sa kasalukuyan, naka-isolate na ang pasyente sa quarantine facility ng bayan at dadalhin sa Pangasinan Provincial Hospital para sa karampatang medikal na tugon.
Samantala, isasailalim ang mga Barangay PAITAN, CAUPLASAN, at SAMON sa TOTAL LOCKDOWN upang mapigilan ang pagkalat ng virus.
Patuloy narin ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng pasyente.
Patuloy din ang paghingi ng pang-unawa sa mga kababayan na responsableng sundin ang mga alituntunin sa ilalim ng General Community Quarantine.