DAGUPAN, CITY— Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ang isang resolusyon na naghihikayat sa mga local government units na magbigay ng security of service/tenure para sa mga Barangay Health Workers (BHWs) sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa natapos na web-based/online session ng SP, nabanggit na ang naturang resolusyon bilang isang suporta sa inilatag na mungkahi ng Federated Barangay Health Workers Province of Pangasinan, Inc. upang maibigay sa kanilang sektor ang security of service.

Nakasaad sa naturang panukala ang malaking parte ng mga BHWs sa pagbibigay ng mas malawak na pagbibigay ng impormasyo ukol sa mga isinasagawang mga basic health programs ng mga LGUs, iba’t ibang proyekto at aktibidad pangkalusugan na madalas ginaganap sa mga barangay.

--Ads--

Mahalaga na maibigay sa naturang mga mangagawa ang security of service/tenure dahil madalas umano ay madali lamang na maalis o matanggal sa serbisyo ang mga BHWs dahil sa kakulangan ng batas na magbibigay seguridad sa pananatili ng kanilang trabaho.

Nais ng nasa likod ng naturang panukala na masuportahan ng mga LGUs ang naturang panukala hindi lang dito sa probinsya kundi maging sa kongreso.

Sa ngayon, nasa humigit kumulang na 14,000 BHWs ang nanunungkulan sa lalawigan.