‘Maituturing na Jam Pack ang taong 2023’ Ito ang binigyang diin ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino.
Aniya, ito ay dahil na rin sa mga isinulong ng Sangguniang Panlalawigan na mga resulusyon at ordinansa partikular na ang usaping trabaho, aksyon at resulta ng mga proyekto sa lalawigan.
Samantala, ibinahagi naman ni Lambino ang mga naging tagumpay ng probinsya ngayong taon, una na riyan ay ang naipasang agreement para sa Pangasinan Link Expressway noong 3rd quarter ng taon kung saan ay matatandaang naipasa ito noong taong 2022. Pangalawa ay ang Largest Hall Farm na siyang pinapangunahan ng Provincial Government.
Pangatlo ay ang pag-papaganda ng Provincial Complex, gaya na lamang ng pag-papatayo ng bagong government corporate center at proyektong sumasalo sa baha. Pang-apat ay ang regular na pagpasa ng resolusyon para sa memorandum of agreement sa pagitan ng 14 provincial hospitals at Department of Health nang sa gayon ay mas ma-improve pa ang serbisyo sa mamamayan. Gano’n na rin ang aprubadong pondo para sa mga hospitals upang mapa-upgrade pa ang mga kagamitan sa medikal.
Pang-lima ay ang apat na malalaking kontrata para sa pag-gegenerate ng kuryente sa solar power. Pang-anim ay ang aprubadong corporate farming, kung saan ay nagpakita ito ng mataas na yield na siyang dahilan kung bakit bumababa ang ginastos na puhunan ng mga magsasaka sa lalawigan.