Dagupan City – Suportado ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Pangasinan ang pagpapalawig ng termino ng mga barangay officials sa bansa.

Ito ay matapos aprobahan ng SP ang isang resolusyon na inendorso ni Board Member Raul Sabangan, ang Liga ng mga Barangay Federation Presidente sa lalawigan na naglalayong suportahan ang Senate Bill 2629 o An Act Setting The Term Of Office Of Barangay Officials And For Other Purposes.

Ang Senate Bill 2629 ay inakda ni Presidential sister and Senator Imee Marcos na siyang chairperson ng Committee on Electoral Reforms and People’s Participation.

--Ads--

Ayon kay Board Member Sabangan, ramdam ang pagtulong ng senadora sa mga Pangasinense kung kaya’t marapat lamang na suklian ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa kanyang panukalang batas.

Aniya, ang Senate Bill 2629 ay layuning gawing 6 na taon ang termino ng mga elected barangay official mula sa 3 taon na panunungkulan.

Samantala, hindi naman kasama sa panukala sa Senate Bill 2629 ang mga Sangguniang Kabataan officials sa nasabing termino ngunit may panukala na ring ipinapasa sa Kongreso.