BOMBO DAGUPAN – Patuloy na tumataas ang naitatalang kaso ng dengue kaya’t maraming mga hakbang ang isinasagawa ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay Pangasinan Governor Ramon “Monmon”Guico III na buong puso nilang sinusuportahan ang mga paghahanda sa pag-iwas at pagtugon sa malawakang pagdami ng kaso ng dengue.

Isa na sa mga hakbang na kanilang itataguyod ay ang 4s mula sa Department of Health na nangangahulugang search and destroy, self-protection measures, say no to indiscriminate fogging at seek early consultation.

--Ads--

Nananawagan naman ito sa lahat na sama-sama nating sugpuin ang pagtama ng nasabing sakit lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Samantala, ayon naman kay Dr. Ana Ma. Teresa De Guzman, Provincial Health Office Chief Pangasinan na mahalaga na isagawa ang oplan taob upang ang mga pinag-ipunan ng tubig na pinag-itlogan ng lamok ay masugpo.

Gayundin ang mga florera o mga water receptacles ay ugaliing palitan linggo linggo ang tubig nito o di naman kaya ay lagyan na lamang ng takip.