Nagpasa ng isang resolusyon si Sangguniang Panlalawigan Member Carolyn Sison Dizon Philippine Councilor’s League, Pangasinan Chapter President na kumokondena sa pagpaslang kay Umingan, Pangasinan Councilor at Abono Partylist National President Ponciano “Onyok” Onia matapos pagbabarilin nitong sabado habang sakay ng kanyang SUV at pauwi na sana sa Barangay San Leon sa bayan ng Umingan.

Aniya na nais nilang magkaroon ng hustisya ang pagkamatay ng nasabing konsehal kaya’t tutulong sila sa abot ng kanilang makakaya.

Bukod dito ay ibinahagi din niya ang labis na pagkalungkot sa nangyari sa kasamahan at umaasa ito na matukoy na ang suspek sa likod nito.

--Ads--

Samantala, ikinagulat naman ni Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino ang nangyari sa opisyal at aniya ay nakikisimpatiya ito sa pamilya ni Onia.

Saad niya na ang Provincial Government at Sangguniang Panlalawigan ay kinokondena ang ganitong brutal act lalo na at magpapasko na kung saan sana ay magkakasama ang mga magkakamag-anak na iselebra ang pasko.

Umaasa ito na mabibigyan ng agarang aksiyon ang pangyayari at mahanap na ang salarin.