Isinusulong ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan kay na mapahaba pa ang vailidity ng Professional Regulation Commission (PRC) License sa limang taon.
Sa inihaing Resolution No. 142 s. 2022, hinhiling nila kay Pangulonng Ferdinand Marcos Jr. na mula sa tatlong taon ay maextend ito ng limang taon.
Ayon kay Vice Governor Mark Lambino,na sa pamamagitan nito ay mababawasan ang paghihirap ng professionals lalo na’t tuloy tuloy anman aniya ang isinasagawang monitoring ng civil service commission sa pagtitiyak na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang pagpapanatili sa edukasyon.
Pagdidiin nito na matagal na aniya itong problema kung kaya’t napapanahon na aniya upang matugunan ito.
Inihalimbawa rin nito na hindi madali para sa mga professionals ang pagrerenew partikular na sa mga naninirahan sa ibang bansa dahil sa hirap sa paguwi.
Ipinunto rin nito na nagsimula na rin ang bansa sa pageextend ng iba pang mga lisensiya kabilang na ang drivers’s license, passport at iba pa.
Positibo rin umano ang naging tugon ng mga bise gobernador sa kaugnay na opanukala na unang binaggit ni National President Vice Governor Karen Agapay ng Laguna.
Kung kaya naman minarapat din aniyang gumawa ng hakbang upang ito ay maisakatuparan.