Dagupan City – Inilatag ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang mga programa at proyekto na paggagamitan sa P3 billion supplemental budget matapos nila itong inaprubahan.

Ayon kay Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino, ang presiding officer ng Sangguniang Panlalawigan, kaliwa’t kanan ngayon ang mga proyekto, programa at serbisyong ginagawa ng kapitolyo kayat nangangailangan ng pag-pondo para maisakatuparan ang mga ito.

May ilalaan na P700 milyon para sa pag-upgrade ng capitol complex, construction sa plaza, karagdagang pasilidad ng Pangasinam Polytechnic Colleges, upgrading sa mga ospital ng probinsiya at iba pang proyekto.

--Ads--

Kasama pa dito ang gagamiting pandagdag sa sahod ng empleyado ng kapitolyo kung saan inilagay na sa Implementing Rules and Regulations (IRR) upang ma-implementa agad ito.

Matatandaan na ang P3 bilyon ay nanggaling sa landbank loan na nagkakahalaga ng P2.7 milyon habang ang P300 milyon naman ay mula sa savings ng Kapitolyo noong 2023 hanggang 2024.